substandard na proyekto
National

Mga substandard na proyekto ng pamahalaan, iimbestigahan ng PACC

TINUTUTUKAN ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang mga substandard na proyekto ng pamahalaan.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni PACC Commissioner Manuelito Luna na minominotor nila kasama ang Department of Public Works and Highways ang lahat ng proyekto ng gobyerno, may reklamo man o wala ukol dito.

Partikular aniyang iniimbestigahan ng PACC ngayon ang public structures at isyu sa mga substandard na bakal.

Boses ni PACC Commissioner Manuelito Luna.

Kaugnay nito, sinabi ni Luna na magkakaroon sila ng fact-finding investigation sa Nobyembre 19 ukol sa mga substandard deal at mga nasirang gusali sa Mindanao dahil sa sunod-sunod na lindol doon.

Boses ni PACC Commissioner Manuelito Luna.

Sinabi ni Luna na maaari pa ring mahabol at panagutin ng gobyerno para sa Criminal Act ang mga kontraktor na mapapatunayang may delivery intent para maging dahilan ng pagkasira ng mga gusali sa paggamit ng substandard materials.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *