Mga sikat na music celebrity sa bansa, tampok sa musical narrative series na ‘Still’

Mga sikat na music celebrity sa bansa, tampok sa musical narrative series na ‘Still’

TAMPOK sa musical narrative series na ‘Still’ ang ilang music stars ng bansa.

Ang nasabing musical narrative series ay tungkol sa isang inspirational lockdown story na nagpapakita ng kagandahan ng pagkakaibigan, pagtutulungan ng komunidad at kalakasan ng Filipino spirit.

Tampok dito ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose at Asia’s romantic balladeer na si Christian Bautista.

Makakasama rin sa serye ang theater at music icon na si Bituin Escalante at ang Philippine theater princess na si Gab Pangilinan, kasama rin sina Abe Autea, Lance Reblando, Mike Shimamoto, at Gabby Padilla.

Ang ‘Still’ ay kauna-unahang serye ng VIU, isang pan-regional Over-The-Top (OTT) streaming service ng Hong kong-based telecom provider na PCCW, katuwang nito ang production team ng This Side Up – ang grupong nasa likod ng pelikulang ‘Respeto’ at ‘Apocalypse Child’.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *