Mga senador, pinagsabihan na ipasa sa Ombudsman ang pag-imbestiga sa DOH

Mga senador, pinagsabihan na ipasa sa Ombudsman ang pag-imbestiga sa DOH

IGINIIT ng ilang gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas mainam na hayaan na lang ang Ombudsman na mag-imbestiga hinggil sa mga nabiling medical supplies ng Department of Health (DOH) at DBM kung may korupsiyon ito.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque at Executive Secretary Salvador Medialdea, sa halip na matutukan ang COVID-19 response ay nagugugol na lamang sa pagharap sa Senado ang oras ng mga health official.

Nakakaanim ng pagdinig ang Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa mga medical supplies gaya ng facemask, face shield at PPEs na diumanoy overpriced na nabili ng pamahalaan noong kasagsagan ng pandemya.

Ayon kay Roque, sa halip na mag-imbestiga nang mag-imbestiga ang senado ay mas mainam na hayaan na lamang ang Ombudsman ang gumalaw hinggil sa mga claims ng mga senador.

Una nang umangal ang isa sa mga cabinet member ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Executive Secretary Salvador Medialdea hinggil sa nagpapatuloy na pagdinig sa Senado laban sa DOH.

Punto nito patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa na kailangang mas tugunan ng mga key health officials kaysa humarap sa Senado.

“A surge has been going on for almost several days. And yet, yet most of our officials supposed to attend to this surge are being required to attend hearings for an alleged “grand plunder” which to date nothing has been shown to prove their case except speculations drawn from bullying of resource persons most of whom have already been criminally condemned,” pahayag ni Medialdea.

Matatandaan na paulit-ulit nang pinalagan ni Pangulong Duterte sa kaniyang mga public address ang naturang Senate probe at umapela sa mga senador na itigil na ang pag-iimbestiga sa mga nagpapatuloy na programa ng pamahalaan.

Ayon sa pangulo, ang ginagawang pagdinig ng mga senador ay nakakaabala sa health response ng kaniyang pamahalaan.

BASAHIN: Imbestigasyon ng Senado sa DOH, pamumulitika lang– Pangulong Duterte

Hindi naman tanggap ni Senator Richard Gordon ang pagpuna ng Pangulo sa kaniyang ginagawang imbestigasyon at hindi raw ito patitinag sa Pangulo.

Apela naman nito kay Medialdea na huwag silang sisihin sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Wala namang nakikitang masama si Senator Francis Tolentino sa mga komento ng Pangulo laban sa pagdinig sa Senado.

Aniya, hindi lang daw ngayon nangyayari na may hindi pagkakaunawaan ang ehekutibo at lehislatura.

Ayon kay Tolentino, nasa Chairman ng komite ang pagpapasya kung iti-terminate na ang pagdinig.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *