Maynilad Manila Water
Business Metro

Mga sangkot sa umano’y maanomalyang kontrata ng Maynilad at Manila Water, iniimbestigahan

KINUMPIRMA ng Department of Justice na iniimbestigahan na nila ang posibleng pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno na kabilang sa mga lumagda sa kontrata o kasunduan sa Maynilad at Manila Water.

Sinabi ni DOJ Spokesperson at Undersecretary Markk Perete na partikular nilang inaalam ang posibleng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at maaari anyang managot dito ang mga opisyal ng Department of Finance nung panahong naganap ang umano’y anomalya.

Ipinaliwanag ni Usec. Perete na mayroong probisyon sa anti-graft law na nagbabawal sa mga empleyado ng gobyerno na pumasok sa kontrata na hindi papabor o argabyado ang pamahalaan.

Magugunitang nilagdaan ang 1997 Concession Agreement sa Maynilad at Manila Water noong panahon ni Pangulong Fidel Ramos at pinalawig pa noong panahon naman ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa ginawang review ng DOJ sa concession agreement ay nakasaad na hindi pwedeng pakialaman ng gobyerno ang pagtatakda ng singil sa tubig ng mga water companies at kapag nakialam ang pamahalaan ay kailangang magbayad ng kompensasyon sa kanila ang gobyerno kaya lumilitaw na argabyado o dehado ang pamahalaan sa nasabing kasunduan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *