basura sa Canada
National

Mga sangkot sa pagpasok ng basura mula sa Canada, sinampahan

PORMAL nang sinampahan ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang ilang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Bureau of Customs (BOC) na sangkot sa iligal na importasyon ng mga basura mula sa Canada.

Ayon kay NBI Deputy Director and spokesman Ferdinand Lavin, nahaharap sa kasong graft sina DENR Undersecretary Atty. Juan Miguel Cuna, DENR Environmental Management Bureau Personnel Irvin Cadavona, Geri Geronimo Sanez at Renato Cruz.

Kasama ring kinasuhan sina BOC personnel Benjamin Perez, Jr., Eufracio Ednaco, Matilda Bacongan at Jose Saromo.

Natuklasan ng NBI na ang mga importasyon ng Chronic Plastics Inc. ay nailabas sa Customs kahit kuwestiyonable ang importation clearances nito.

Kabilang sa mga kasong kinakaharap ng mga akusado ay ang paglabag sa Republic Act 6969 o Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990; at RA 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *