Mga residente sa Quezon City, nakatanggap ng pamasko mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Mga residente sa Quezon City, nakatanggap ng pamasko mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy

NAKATANGGAP ng maagang pamasko ang tatlondaang pamilya sa Barangay Sauyo, Quezon City ngayong araw.

Kabilang din sa nabiyayaan ng pamasko ang mga street sweeper mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.

Katuwang ang Sonshine Philippines Movement at Children’s Joy Foundation, napagkalooban ng maagang pamasko ang nasa tatlondaang pamilya sa Barangay Sauyo.

Ang nasabing mga benepisyaryo ay pawang naapektuhan ng nagdaang sunog nitong buwan ng Nobyembre kung saan umabot ng Task Force Bravo ang magdamagang sunog.

Matapos ang naiulat na pagputok ng kable ng kuryente sa nasabing lugar na naging sanhi ng pagkawala ng kuryente ng ilang mga residente.

Minsan nang nanuluyan ang nasa mahigit 200 residente  na inilikas mula sa nasabing trahedya sa Basketball Court ng Barangay Sauyo, Quezon City.

Si Anabel arcilla, Isa sa mga nasunugan, pansamantala muna silang nangungupahan habang unti-unting inaayos ang kanilang tirahan na natupok din ng apoy mula sa nasabing sunog.

Kaya naman bilang bahagi ng humanitarian advocacy ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ, SPM at CJF, naghatid ng tulong ang butihing Pastor para sa mga benepisyaryo.

Samantala bukod sa mga nasunugan, nabigyan din ng regalo ang mga street sweeper ng barangay na marami na ding taon ang ginugol para mapanatiling malinis ang kanilang lugar.

Nagpasalamat din ang mga ito kay Pastor Apollo sa kabila ng pandemiya, tuloy ang diwa ng Pasko sa maliit na paraan na maipakita pa rin ang tunay na kahulugan ng Pasko.

Ang nasabing aktibidad ay ang tuloy-tuloy pa rin na programa ng butihing Pastor para maghatid ng tulong mula sa mga pamilya at Indibidwal na ngangailangan ng tulong mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Matatandaang nito lamang kasagsagan ng pananalasa ng mga Bagyong Rolly at Ulysses sa North Central Luzon nanguna ang The Kingdom of Jesus Christ sa paghahatid ng relief packages sa Marikina, Rizal, Isabela at Cagayan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *