Mga residente ng Kasiglahan Village sa Rodriguez, Rizal, nanawagan ng agarang tulong

Mga residente ng Kasiglahan Village sa Rodriguez, Rizal, nanawagan ng agarang tulong

NAGPAABOT ng hinaing sa lokal na pamahalaan ang mga residente sa Kasiglahan Village, Rodriguez, Rizal na hatiran sila ng agarang tulong.

Sambit ng ilang residente, halos wala na silang makain at ang iba naman ay wala nang magamit.

Umapela naman ang ilang residente sa lokal na pamahalaan na umaksyon na at huwag anilang patulog-tulog lang sa mga kaganapan sa kanilang lugar lalo na sa Kasiglahan Village na higit na naapektuhan ng Bagyong Ulysses.

Mapapansin natin na nababalot ng makapal na putik ang daanan at pahirapan ang pagpasok ng mga sasakyan.

Tambak din ang mga basura sa gilid ng daanan.

Mula sa kanilang tahanan, bitbit din ng mga residente ang kanilang ibang gamit na halos puno na ng putik papuntang evacuation center.

Wala ring suplay ng kuyente at tubig sa kanilang lugar.

Umaasa naman ang ilang residente na makababalik agad sa kanilang mga bahay kapag natanggal na ang mga basura at mga kahoy na nakabara sa kanilang mga tirahan.

Bandang alas onse ng umaga nang dumating ang military truck na magre-rescue sa mga residente mula sa kanilang tahanan papuntang evacuation center.

Magtatanghali na rin nang dumating ang fire truck na may handog na libreng tubig para sa mga residente.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *