pagpatay sa aide
National

Mga pulis sa umano’y pagpatay sa aide ng dating kongresista, sinampahan ng kaso

SINAMPAHAN na ng double murder ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 21 na pulis na sangkot sa pagpatay sa aide ni dating Biliran Representative Glenn Chong na si Richard Santillan at kasama nitong si Gessamyn Casing noong December 9, 2018 sa Cainta, Rizal.

Kabilang sa kinasuhan sa Department of Justice (DOJ) ang 7 police Cainta sa pamumuno ni Police Lt. Sandro Ortega, 4 na opisyal mula sa PNP Highway Patrol Group sa Rizal sa pamumuno ni Police Capt. John Russel Barnacha at 10 tauhan ng Regional Special Operations Unit sa pamumuno ni Police Master Sergeant Rene Eufracio.

Inireklamo din ng NBI ng obstruction of justice sina Calabarzon Police Regional Director Brig. Gen. Edward Carranza, Rizal Police Provincial Director Col. Lou Evangelista at Cainta Police Chief Lt. Col. Pablito Naganag dahil sa umano’y cover up sa pagpatay.

Sa reklamo ng NBI, nakasaad na matapos ang kanilang imbestigasyon ay lumitaw na rubout at hindi shootout ang insidente tulad ng iginigiit ng PNP.

Sinabi ng NBI na hindi totoo na armado ang mga biktima at nanlaban sa mga pulis.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *