Mga pulis, isasailalim sa marksmanship training

Mga pulis, isasailalim sa marksmanship training

ISASAILALIM sa marksmanship training ang mga pulis upang gumaling sa paggamit ng baril.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Esmael Yu, inatasan ni PNP Chief Police General Camilo Pancratius Cascolan ang Directorate for Human Resource and Doctrine Development na agad ipatupad ang marksmanship training sa mga miyembro ng directorial and personal staff at national support units.

Gagawin anya ang pagsasanay sa tatlong phase, alinsunod sa training action plan.

Sinabi naman ni Police Major General Clifton Empiso, director ng Directorate for Human Resource and Doctrine Development na sinimulan na ng PNP training service ngayong araw ang orientation para sa Modified Handgun Qualification Marksmanship Program sa PNP Firing Range sa Camp Crame.

Inaasahan naman na ilalabas ang pinal na hakbang at direktiba sa program sa ilalim ng new normal.

SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *