Mga programa ng ISDA Volunteer Support Group, mas pinalalawak

Mga programa ng ISDA Volunteer Support Group, mas pinalalawak

MAS mapapalawak ng Inday Sara Duterte Ako (ISDA) Volunteer Support Group ang mga serbisyo at outreach programs nito sa taumbayan kasunod ng pagbubukas ng kanilang bagong headquarters sa Quezon City.

Binuksan na ng ISDA Volunteer Support Group ang kanilang National Headquarters sa Quezon City.

ISDA Volunteer Support Group

Ayon kay Asec. Eymard Eje, Chairman ng ISDA Support Volunteer Group, sa pamamagitan ng bagong headquarters ay mas mapapalawak nila ang kanilang serbisyo at outreach programs sa mga mamamayang Pilipino na naaayon sa adbokasiya ni Davao City Mayor Inday Sara Z. Duterte-Carpio.

Nagsasagawa ang grupo ng mga outreach programs sa iba’t ibang panig ng Pilipinas tulad ng feeding program, tree-planting activity, medical mission at iba pa.

Ayon sa grupo sa mga walang kakayahang pumunta sa kanilang tanggapan upang makahingi ng tulong ay pwedeng makipagugnayan sa kanila sa pamamagitan ng kanilang official Facebook Page o sa kanilang website na www.isda.volunteers.org.

Kasabay rin ng soft opening ng bagong headquarters ay nagsagawa ng feeding program ang grupo sa Quezon City, Manila at Makati City kung saan nabigyan ang nasa mahigit dalawang libong indibidwal.

Patuloy ang pagtulong sa kabila ng hindi pagtakbo ni Sarah Duterte

Paglilinaw naman ng grupo na hindi sila hihinto sa pagtulong sa mga nangangailangan, tumakbo man o hindi si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa 2022 National Elections.

 

ISDA Volunteer Support Group

 

Kamakailan lang ay inanunsiyo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi na siya tatakbo sa 2022 National Election sa kabila ng pangunguna niya sa ilang surveys.

Ito’y matapos pormal na tinanggap ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ng PDP-Laban sa naganap na National Assembly.

Ayon kay Mayor Inday Sara, nauna na nilang napagkasunduan na isa lang sa kanilang pamilya ang maaring tumakbo sa national position.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *