WPS
National

Mga posibilidad na maaring mangyari sa isyu ng WPS, dapat paghandaan —Gordon

DAPAT lamang na handa ang Pilipinas sa lahat ng posibilidad na maaring mangyari kaugnay sa pinagtatalunang teriroryo sa West Philippine Sea o WPS.

 WPS
Senador Richard Gordon

Ito ang mariing inihayag ni Senador Richard Gordon sa isang panayam sa Maynila kasunod sa nangyaring pagbanga ng Chinese vessel at pag-abandona nito  sa mga Pinoy fisherman sa Recto Bank nitong Hunyo 9.

Dagdag pa ni Gordon, dapat din isipin ng bansa na marami pang posibleng mangyayari sa usapin pandagat lalo na’t marami ang umaangkin sa teritoryo.

Aniya, dapat lamang ang mga ganitong senario ay i-assess ng National Security Council at pag-isipan mabuti para gawin ang nararapat sa foreign policy at defense approach.

Hindi naman ani Gordon na giyera ang sagot para maresolba ang alitan sa naturang karagatan.

Iminumungkahi din ng senador na dapat lamang ang magsasalita tungkol sa isyu ng West Philippine Sea ay ang mga taong concerned gaya ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin at ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

CHERRY LIGHT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *