National

Mga Pinoy sa Stockholm mino-monitor ng Embahada ng Pilipinas matapos ang terror attack


Mahigpit na mino-monitor ng Philippine Embassy sa Oslo ang situwasyon ng Filipino community sa Stockholm.
Kasunod ito ng nangyaring terror attack, kung saan ay apat ang nasawi at labinlima ang sugatan matapos banggain ng nakaw na beer truck ang isang department store sa lugar.
Kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naturang terorismo.
Kaugnay nito, nangako ang DFA ng suporta nito sa Sweden laban sa karumal-dumal na gawain.
Nagpaabot din ng pakikiramay ang Pilipinas sa gobyerno ng Sweden.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *