bumiyahe patungong Iraq
National

Mga Pinoy, pinaiiwas na bumiyahe patungong Iraq

PANSAMANTALANG pina-iiwas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino na bumiyahe patungong Iraq.

Ito ay dahil sa nagaganap na madugong kilos-protesta sa nasabing bansa.

Sa inilabas na travel advisory ng DFA, partikular na pinayuhan ng DFA ang mga Non-Government Organizations (NGOs) na planong magsagawa ng humanitarian projects at speaking engagements.

Sakaling hindi maaaring kanselahin ang biyahe, pinaalalahan ng ahensya ang mga Pinoy na alamin at sundin ang ipinatutupad na curfew sa iba’t ibang bahagi ng Iraq.

Binalaan din ng DFA ang mga kababayan nating magbo-book ng flights na iwasan ang paglipad sa Baghdad, Basra at Kurdistan Region lalo na sa madaling araw.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 63 ang nasawing raliyista sa patuloy na kaguluhan sa nasabing bansa.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *