cruise ship sa Japan
National

Mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 sa cruise ship sa Japan, 11 na

UMAKYAT na sa 11 Pinoy na lulan ng Diamond Princess Cruise ship sa Japan ang nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19.

Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs matapos na madagdagan ang bilang ng mga nagpositibo sa naturang virus ngayong Huwebes.

Gayunman, nilinaw ng DFA na walang Pilipino sa naitalang 44 na bagong kaso ng COVID-19.

Sa ngayon, ginagamot na ang 11 Pinoy sa iba’t ibang ospital sa Tokyo, Japan.

Samantala, umakyat na sa 441 ang bilang ng mga patients under investigation o PUI sa Pilipinas dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-2019.

Batay sa real-time tracker ng Department of Health (DOH), nasa 252 ang nagnegatibo sa sakit kung saan 208 dito ang na-discharge na.

Nasa 230 naman aniya ang naka-admit sa iba’t ibang health facilities sa bansa habang nasa 186 na iba pang kaso ang hinihintay ang mga resulta ng laboratory tests.

Nanatili rin sa tatlo ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas kabilang na rito ang isang nasawi.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *