Mga Pinoy na nag-positibo sa COVID-19 sa abroad, nasa 153 na

Nasa 153 na ang kabuaan bilang ng mga Pilipino nasa abroad ang may kumpirmadong sakit ng Coronavirus Diease 2019 (COVID-19).

Sa huling tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 66 na ang sumasailalim ng treatment, 86 ang naka-recover na o na-discharge na at 1 rito ang namatay nang Pinoy galing France  dahil sa naturang  sakit.

Nangunguna sa bilang na may infected COVID-19 pandemic ay ang Asia Pacific Region kung saan nasa 106 ang bilang na infected ng sakit, 23 under treatment at 83 ang naka-recover.

Kabilang na dito, 80 ang bilang ng mga Pinoy mula sa MV Diamond Princess cruise ship na nagpositibo sa COVID-19.

Image result for mv princess cruise ship

Sumunod sa Asia Pacific Region na may mataas na bilang ng mga Pilipinong nagpositibo sa COVID-19 ay ang Europa na may 14 na kaso, 11 ang under treatment at 2 na ang naka-recover; pangatlo ang Middle East na may 17 ang kumpirmadong sakit, 16 ang sumasailalim ng  treatment at 1 naman ang na-discharge na.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *