Mga Pinoy na lulan ng MV Grand Princess sa California, balik-bansa na

Mga Pinoy na lulan ng MV Grand Princess sa California, balik-bansa na

BALIK-bansa na ang nasa 444 na mga Pinoy na lulan ng MV Grand Princess na naantala ang biyahe sa Oakland, California dahil sa COVID-19.

Pasado 3:00 ngayong madaling araw ng lumapag sa Pampanga’s Clark Airbase ang eroplanong sinakyan ng mga repatriated na mga Pinoy.

Agad namang dinala ang mga ito sa Athletes’ Village sa New Clark City upang isailalim sa 14-day quarantine.

Magugunita na naantala ang biyahe ng naturang cruise ship matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilang pasahero nito kabilang na ang kauna-unahang naitalang nasawi dahil sa naturang sakit sa California.

Sa ngayon, labing tatlong Pinoy na sakay nito na nagpositibo sa COVID-19 ang ginagamot ngayong sa isang ospital sa Estados Unidos.

Ito naman ang ikatlong batch ng mga repatriated OFWs dahil sa COVID-19.

Mga Pinoy sa ibang bansa na dinapuan ng COVID-19, umaabot na sa 120

Umaabot na sa 120 ang mga Pilipino sa ibang bansa na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa Deparment of Health (DOH), 80 dito ay mula sa Diamond Princess cruise ship sa Japan.

Sa nasabing bilang sa Japan, pitumpu’t pito dito ay gumaling na.

Labing-siyam naman na Filipinos ang nadapuan ng COVID-19 sa Grand Princess cruise ship na pinigil sa California kung saan wala sa kanila ang gumaling.

Siyam naman na Pilipino sa Singapore ang nadapuan ng virus kabilang na dito ang bumiyahe sa Pilipinas at dalawa na dito ang gumaling.

Limang kaso naman ang naitala sa Hong Kong kung saan tatlo dito ang nakalabas na sa pagamutan habang dalawa pa ang nananatili sa pagamutan.

Apat na Filipino mula sa United Arab Emirates ang nagpositibo sa COVID-19 at lahat sila ay naka-isolate.

Dalawang Pinoy naman sa France ang nadapuan rin ng virus at isa naman ang naitala sa Switzerland.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *