National

Mga Pinoy, may kanya-kanyang pakulo para sa motorcycle back-riding

NAGSULPUTAN sa social media ang kanya-kanyang pakulo ng mga tao upang masunod ang standard ng pag-aangkas o motorcycle back-riding matapos maaprubahan ito ng Inter-Agency Task Force kontra COVID-19 sa pamamagitan ng ‘do-it-yourself’ back shield.

 

Sa katunayan kinagigiliwan din ang iba’t-ibang ideya ng mga Pinoy para lang masunod ang ipinatutupad na social distancing sa pagitan ng motorista at angkas nito.

 

Matatandaan na simula noong July 10, tanging ang mag-asawa o magkatipan lang muna ang papayagan na motorcycle back-riding sa lahat ng lugar sa bansa.

 

Ngunit ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), kinakailangang mayroong barriers ang kanilang motorsiklo sa pagitan ng driver at angkas.

 

Nauna nang ipinakita ni Bohol Governor Arthur Yap ang prototype motorcycle at inaprubahan naman ito ng pamahalaan.

 

Ipinaalala din ng opisyal sa mga couple na magkaangkas ng magdala ng ID o dokumento na ang mga ito ay magkasama sa iisang residensiya o lugar sakaling sitahin ng law enforcer.

 

Hindi naman kasama dito ang back riding sa electronic bike.

 

 Bukod sa patok na pakulo ng iba’t- ibang motorista,  patok din na negosyo ngayon ang back shield o protector para sa mag-asawa o magkatipan o magkarelasyon na dadaan sa lansangan.

 

SMNI NEWS

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close