National

Mga Pinoy di-pabor na pababain ang edad para sa criminal liability


Marami pa ring Pinoy ang gustong panatilihin ang kasalukuyang edad para sa criminal liability.
Batay sa survey ng Pulse Asia, 55 porsiyento ng mga Pinoy ang pabor na panatilihin sa labinlimang taong gulang ang edad na dapat papanagutin sa batas.
Dalawampu naman ang nagsabing dapat itong gawing labindalawang taon samantalang siyam na porsiyento lamang ang sumuportang ibaba ito sa siyam na taong gulang.
Isinagawa ang survey mula Marso 15 hanggang Marso 20 ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *