nagpositibo sa iligal na droga
National

Pagsuspinde ng PNP sa pag-aresto sa mga pinalayang convict, nilinaw

HINDI sinuspinde ng Philippine National Police (PNP) ang pagaaresto sa mga pinalayang convict sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ito ang paglilinaw ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles kasunod ng anunsyo ng Department of Justice na itigil muna ng PNP ang pagaresto sa mga napalayang preso, makaraang lumampas ang bilang ng mga sumukong preso kumpara sa nasa listahan ng Bureau of Corrections.

Ayon kay Secretary Nograles, maaari pa namang ituloy ng PNP ang kanilang warrantless arrest, gayunpaman nais lamang ng mga ito na makuha ang pinal na listahan ng mga pangalan, at nang masigurong tama ang kanilang mga aarestuhin.

I think pina-finalize lang nila ‘yung list kung sino talaga yung diskwalipikado sa GCTA meaning to say more importantly heinous crimes convicts… pina-finalize lang nila ‘yun para pin-point accuracy ang Philippines National Police na lumaya improperly sa GCTA…’yun lang ang hahabulin ang Philipine National Police,” paglilinaw ni Nograles

Mahigpit aniya ang ginagawang koordinasyon ng DOJ at BuCor sa kasalukuyan upang matukoy kung sino talaga ang mga disqualified na napalaya sa ilalim ng GCTA, at upang maibalik sa kulungan ang mga dapat talagang ibalik.

Sinabi rin ni Nograles na hindi ito nangangahulugan na sinusuway nila ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga hindi sumuko makaraan ang ibinigay na deadline, bagkus ay hinihintay lamang nila ang final list upang matiyak na tama ang mga indibidwal na kanilang aarestuhin.

HANNAH JANE SANCHO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *