Mga piloto sa aviation industry, umaaray na sa pandemya

Mga piloto sa aviation industry, umaaray na sa pandemya

MENTALLY at emotionally stress ang nararasanan ngayon ng karamihang piloto sa aviation industry simula nang manalasa ang COVID -19 pandemic hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Aminado si Capt. Irene Mora, isang flight instructor na malaking dagok sa kanilang buhay na mga piloto pati na rin ang lahat ng mga nagtatrabaho sa himpapawid  ang ginawa ng pandemya.

Marami sa mga kasamahan nitong mga nagtatrabaho sa larangan ng aviation industry na wala ng ibang alam na trabaho kundi ang mapangalagaan lamang ang kanilang karera sa  naturang industriya.

Kagaya ng pupunta ng airlines, magpalipad ng eroplano habang may mga pamilyang binubuhay ang mga ito.

Kaya’t umabot na lamang ang ilang buwan nang simula manalasa ang COVID-19 ay marami na sa mga ito ang nagugutom.

Aminado din si Capt. Mora na mapalad siya dahil kahit passion niya ang magpalipad ng eroplano ay hindi niya ikinakahiya na namumuhay na siya ngayon sa sarili niyang farming  at  kanyang pinagkakaabalahan ito  habang nagpapatuloy ang pandemya.

Dahil dito hinihimok ni Mora ang mga kasamahan niyang nasa industriya na apektado ng pandemya na  lumikha ng bagong  pamamaraan ng pamumuhay habang nanatili pang hinaharap ang krisis.

Dahil kakaunti na lamang ang mga flights sa paliparan marami kasi sa mga airlines ang nagbawas na  ng mga tauhan.

Samantala, ayon naman kay Manila International Airport Authority o MIAA  General Manager Ed Monreal hanggang ngayon under utilize pa rin ang NAIA terminals at marami pa rin mga espasyo ang bakante dahil sa pinanatili ang health protocols sa loob ng paliparan.

Habang umiiral pa ang COVID -19 ay kakaunti pa rin ang flights operation sa NAIA terminals mula sa 700 flights bawat araw ay bumababa na lamang ito ng hanggang 200 flights bawat araw.

Ayon pa kay Monreal bago tumama ang COVID umaabot sa 3 milyon ang mga pasahero sa isang buwan lamang; sa ngayon maganda na ang makaabot sa 10, 000 pasahero bawat araw.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *