Mga ospital na mangunguna sa COVID-19 vaccine trial, inilatag na

Mga ospital na mangunguna sa COVID-19 vaccine trial, inilatag na

INILATAG na ng Department of Science and Technology (DOST) ang listahan ng mga ospital na mangangasiwa sa COVID-19 vaccine trial.

Hinati ng DOST sa walong zones ang mga ospital na mangunguna sa COVID-19 vaccine trial kungsaan 5 ay ang itinalaga sa Metro Manila, isa sa Calabarzon, isa sa Cebu at isa sa Davao.

Sa National Capital Region (NCR), kabilang sa mga mangunguna ay ang Philippine General Hospital (PGH), San Lazaro Hospital, Manila Doctors, Lung Center of the Philippines, St. Lukes Medical Center sa Quezon City at Bonifacio Global City kabilang ang The Medical City, RITM at Makati Medical Center.

Sa CALABARZON naman, pangungunahan ito ng Dela Salle Health Sciences Institute.

Habang ang Cebu zone ay pangangasiwaan ng Vicente Sotto Memorial Medical Center at Chong Hua Hospital at Southern Philippines Medical Center naman sa Davao zone.

Ang naturang zoning guidelines ay aprubado ng Inter-Agency Task Force (IATF) at nakapaloob sa IATF Resolution No. 68.

SMNI NEWS

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *