Mga oposisyon at ICC na di masaya sa bansa, dapat lumayas — Pastor Apollo

Mga oposisyon at ICC na di masaya sa bansa, dapat lumayas — Pastor Apollo

DISMAYADO si Pastor Apollo Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ kaugnay sa mga kritiko at oposisyon sa gobyerno dahil sa pamumuna ng mga ito sa mga programa ng Administrasyong Duterte lalo na sa isyu ng war on drugs.

Isa sa mga mainit na pinag-uusapan ngayon ang muling pagbuhay ng isyu ng di umano’y patayan sa bansa sa kampanya laban sa droga.

Sa katunayan, nakatakda nang umpisahan ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa susunod na mga buwan kaugnay sa alegasyon ng human rights violations ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Isa sa mga complainants ay si dating Senator Antonio Trillanes IV, na tahasang kumokondena sa bawat hakbang ng pamahalaan simula nang maupo ang pangulo sa pwesto.

Pakiusap ni Pastor Apollo sa mga taga oposisyon at sa sinumang hindi  masaya sa pamumuno ni Pangulong Duterte, umalis na lang ang mga ito sa bansa.

Giit ng butihing Pastor, masaya ang mga Pilipino kay Pangulong Duterte dahil sa maayos na pamamahala nito mula sa problema sa kriminalidad at korupsiyon at hindi aniya dapat ito hadlangan ng sinuman dahil sa inggit at galit sa politika.

Isa rin sa mga pinuna ni Pastor Apollo ang tahasang panghihimasok ng ICC sa pamamalakad sa bansa.

Samantala, sa kabila ng pag-amin ni Pangulong Duterte sa muling pagkikita nila ni Pastor Apollo sa isa nitong programa, muling iginiit ng butihing Pastor ang kagustuhan nitong manatili sa pulitika ang Pangulo dahil sa matagumpay nitong kampanya  sa maayos na pamahalaan.

“The more you do that the more the president Duterte will be very, very popular to the Philippines and not only to the Philippines but the world. The more we will support this president. That’s why if he wanted to retire, I urged him not to retire. As long as you are alive Mr. President, this nation needs your guidance,” pahayag ng butihing Pastor.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *