Mga online shop business, maaaring managot kung hindi mabayaran ng maayos ang delivery riders

Mga online shop business, maaaring managot kung hindi mabayaran ng maayos ang delivery riders

MAY pananagutan pa rin ang mga online shop business gaya ng Shopee kung hindi mababayaran ng maayos ng mga ahensiya ang kanilang mga delivery riders.

Ito ang inihayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre “Bebot” Bello III sa panayam ng SMNI News.

“Kasi kung hindi binabayaran ng ahensiya, they are solitary liable sa mga riders,” pahayag ni Bello.

Ibig sabihin nito, kahit nakapag-bayad na ang isang online shop sa mga ahensiya, ito pa rin ang mananagot kung hindi mabayaran ang mga riders ayon kay Bello.

Paalala ni Bello, dapat pa ring bayaran ng maayos ng isang online shop ang mga riders sa kabila ng maraming endorsements at sponsorships.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *