Rebeldeng NPA
National

Rebeldeng NPA, hinikayat ng pangulo na magbalik-loob sa pamahalaan

TILA mauubos na ang lahi ng mga rebeldeng NPA ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa talumpati ng pangulo sa ceremonial distribution ng land certificates kahapon sa General Santos City, sinabi nito na mahihirapan nang mabuhay ang mga rebelde dahil mawawalan na sila ng magpagkukunan ng pagkain kasunod ng land reform ng pamahalaan.

Kaugnay nito, sinabi ng pangulo na walang dapat na ikatakot ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) oras na sumuko sila sa gobyerno.

“Kamong mga NPA, surrender na mo. Di mo magutom. Libre eskwela sa mga bata. Ako’y mupa-enrol, ako’y mubayad, ako pa’y mupapakaon para ninyo. Tagaan ta pa mo’g kwarta. Buhii na’ng armas. Buhii na’ng armas. Di mo mahadlok nako. Di ko mupatay’g Pilipino ka,” panghikayat ng pangulo.

Dagdag pa ni Duterte, bibigyan nito ang mga surrenderees ng libreng pabahay, skills at livelihood training sa pamamagitan ng TESDA.

“Kamong mga komunista, naog mo. Tagaan tamo’g condo, gagmay lang nuon. Kanang condo nga gihatag nako sa mga military ug pulis Ing-ana pero mas gagmay lang inyo, pero kapuy-an, habitable pakaingnon pa,” dagdag ng pangulo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *