Mga naturukan na kontra Covid-19 sa lungsod ng Taguig, umabot na sa higit 1-M

Mga naturukan na kontra Covid-19 sa lungsod ng Taguig, umabot na sa higit 1-M

IPINAGMALAKI ng Taguig City government na umabot na sa kabuang 𝟏,πŸŽπŸπŸ“,πŸŽπŸπŸ— katao ang naturukan kontra Covid-19 sa lungsod.

Kinilala si Maria Luisa Escalante na isang essential worker at solo parent mula sa Brgy Sta. Ana ang minarkahan bilang ika-1 milyong nabakunahan sa lungsod ng Taguig.

Sa kanyang pahayag hinihikayat niya ang publiko na ang pagbabakuna ay mas ligtas at mas mabibigyan ng proteksyon laban sa nakakamatay na sakit.

β€œAlam ko na mabibigyan ako ng proteksyon para maprotektahan ko rin ang aking pamilya mula sa virus. Malaking bagay na mabigyan nito, lalo na laganap ngayon ang COVID-19, at nakakatuwang malaman na libre ito. Kunin natin ang oportunidad na ito para magpabakuna,”ayon kay Maria Luisa Escalante.

Sa huling tala ang Taguig ang ika -4 na siyudad sa kalakhang Maynila ang umabot na sa higit isang milyong katao ang naturukan kontra Covid-19, kabilang na dito ang Quezon City, Manila at Caloocan City.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan ng Taguig naabot ang naturang numero ng pagbabakuna dahil sa ginawang pagsisikap ng mga health worker at essential worker ganun din ang pag-ambag ng mga ito sa pag papaigting ng contact tracing at patuloy na pagsasagawa ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategy laban sa COVID-19.

Bukod pa dito ang agresibong ginagawa ng Taguig LGU ng pagbabakuna hindi lamang sa mga vaccination hub kundi ang patuloy na ginagawang pagtutok sa community-based vaccination sa pamamagitan ng Taguig Mobile Vaccination Bus, Mobile Vaccination Team, at Home Service Vaccination para sa bedridden citizens.

Sa ganitong paraan ay lalong mas mapabilis ang pagbabakuna sa mga TaguigeΓ±o.

Ngayong-araw ay tuloy tuloy ang bakunahan sa Taguig pero ito ay para lamang sa 2nd dose.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *