Mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Pilipinas, umakyat na sa 12

Mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Pilipinas, umakyat na sa 12

UMAKYAT na sa 12 ang bilang ng mga nasawi dulot ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa tala ng Department of Health, apat katao na nagpositibo sa COVID-19 ang binawian ng buhay kahapon, araw ng linggo.

Kabilang dito si Patient 9 na 86 na taong gulang na lalaki na American national na taga-Marikina na may travel history sa USA at Korea.

Pang-sampu na nasawi na si Patient 54 na 40-taong gulang na lalaki, Filipino mula sa Pasig City na wala namang travel history sa ibang bansa; pang-labing isa ay si Patient 39 na 64 na taong gulang na lalaki na taga-Negros Oriental na may travel history sa Green hills.

At pang-labindalawa ay si Patient Number 12 na 56- na taong gulang na lalaki na na-confined sa Makati Medical Center na pumanaw kagabi.

Sa ngayon ay pumalo na sa 140 ang kaso ng COVID-19 sa bansa at dalawa dito ang gumaling na.

Mga Pinoy sa ibang bansa na dinapuan ng COVID-19, umaabot na sa 120

Umaabot na sa 120 ang mga Pilipino sa ibang bansa na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa Deparment of Health (DOH), 80 dito ay mula sa Diamond Princess cruise ship sa Japan.

Sa nasabing bilang sa Japan, pitumpu’t pito dito ay gumaling na.

Labing-siyam naman na Filipinos ang nadapuan ng COVID-19 sa Grand Princess cruise ship na pinigil sa California kung saan wala sa kanila ang gumaling.

Siyam naman na Pilipino sa Singapore ang nadapuan ng virus kabilang na dito ang bumiyahe sa Pilipinas at dalawa na dito ang gumaling.

Limang kaso naman ang naitala sa Hong Kong kung saan tatlo dito ang nakalabas na sa pagamutan habang dalawa pa ang nananatili sa pagamutan.

Apat na Filipino mula sa United Arab Emirates ang nagpositibo sa COVID-19 at lahat sila ay naka-isolate.

Dalawang Pinoy naman sa France ang nadapuan rin ng virus at isa naman ang naitala sa Switzerland.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *