bagong senador
National

Mga nanalong bagong senador, pormal nang iprinoklama

NAIHALAL na ang labing dalawang bagong senador ng Republika ng Pilipinas na magsisilbi sa susunod na 6 na taon simula July 1, 2019.

Nanguna sa senatorial race sa May 13 National at Local Midterm Elections si Re-electionist Senador Cynthia Villar.

Batay sa final and official tally ng Commission on Elections (Comelec), nakakuha si Villar ng 25,283,727 na boto.

Sinundan ito ni Senador Grace Poe na nasa pangalawang pwesto na may 22,029,788 na boto, pumangatlo si Bong Go na may 20,657,702 votes; pang-apat si Pia Cayetano na may 19,789,019 votes at pang-lima si Ronald dela Rosa na may 19,004,225 votes.

Nasa ika-anim na pwesto si Sonny Angara na may 18,161,862 votes, pang-pito si Lito Lapid na may 16,965,464 votes, pang-walo si Imee Marcos na may 15,882,628 votes at pang-siyam si Francis Tolentino na may 15,510,026 votes.

Habang nasa ika-sampung pwesto si Koko Pimentel na may 14,668,665 na boto, ika-labing isa si Bong Revilla na may 14,624,445 na boto at pang-huli at nasa ika-labing dalawang pwesto si Senator Nancy Binay na may 14,504,936 na boto.

Isinagawa ang proklamasyon ng 12 senador para sa 18th Congress sa Philippine International Convention Center sa Pasay City sa pangunguna ni Comelec Chairman Sheriff Abas.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *