Mga nakakaramdam ng COVID symptoms, agad mag-isolate – health expert

Mga nakakaramdam ng COVID symptoms, agad mag-isolate – health expert

HINIMOK ng isang health expert ang mga nakakaramdam ng COVID-19 symptoms na agad mag-isolate kahit gaano pa ito ka-mild.

Ayon kay Pediatric Infectious Diseases Specialist Dr. Anna Ong-Lim na sa ganitong pamamaraan ay maiiwasan ang mas pagkalat ng virus.

Dapat maalala nating lahat na kapag may naramdaman kahit bahagyang sintomas lang at kahit hindi tayo sigurado, the first thing to do is to isolate. Bumukod na po para hindi na po tayo makapanghawa ng iba pang tao, “ pahayag ni Dr. Anna Ong-Lim, Pediatric Infectious Diseases Specialist

Magpatest at maghanap ng paraan para makapag-teleconsult o kaya makipag-ugnayan sa mga Barangay Health Emergency Response Team para mabigyan ng abiso kung ang ating nararamdaman ay tugma talaga sa COVID,” saad ni Lim

 “And habang tayo ay may sakit, ang puwede namang gamiting mga gamot ay ang usual nating gamot para sa lagnat, ubo’t sipon at ipagpahinga nang maayos kasi most the time itong mga sintomas na ito ay lilipas din within a couple of days,” dagdag nito.

Malacañang, hinikayat ang mga asymptomatic o mga may mild to moderate symptoms na mag-home isolation

Kasunod naman ng patuloy na pagtaas ng hospital care utilization rate sa bansa, hinikayat naman ng Palasyo ang mga asymptomatic at mga nakakaramdam lamang ng mild to moderate symptoms na mag home-isolate.

“Sa mga walang sintomas o may mild or moderate na sintomas, puwedeng mag-isolate sa bahay. This will help us prioritize healthcare facilities for those with severe and moderate cases of COVID, or high-risk COVID cases with comorbidities,” pahayag ni Sec. Karlo Nograles , Acting Presidential Spokesperson

Pero paaalala ni Nograles na papayagan lamang ang home isolation kung hiwalay ang ang kuwarto ng may COVID sa ibang mga miyembro ng pamilya, kapag may sariling banyo ang kuwarto at kapag walang kasamang matanda, bata o may comorbidities.

 “So let’s do our part to prevent the spread of COVID. If you suspect that you have COVID, stay home, isolate at makipag-ugnayan sa inyong LGU o sa doktor tungkol sa telemedicine.” ani Nograles

Batay sa datos ng Department of Health, nasa 52% ang utilized ICU beds sa Metro Manila, habang nasa 38% naman sa buong bansa. 54% ang utilized isolation beds sa Metro Manila, habang nasa 41% sa buong bansa.

Umakayat naman sa 67% ang utilized ward beds sa Metro Manila, habang 41% naman sa buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *