Mga nagkasala sa PhilHealth dahil sa korupsiyon, siguradong pananagutin ni Pang. Duterte —Pastor Apollo

Mga nagkasala sa PhilHealth dahil sa korupsiyon, siguradong pananagutin ni Pang. Duterte —Pastor Apollo

SIGURADONG hindi palalampasin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal na sangkot sa anomalya ng korupsiyon sa state health insurance company na PhilHealth.

Ito ang naging pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy matapos aprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng Task Force PhilHealth na pinamumunuan ng Deparment of Justice, na sampahan ng kasong kriminal at administratibo sina dating PhilHealth Chief Ricardo Morales, Senior Vice President Jovita Aragona, Officer-in-Charge Calixto Gabuya Jr., SVP Renato Limsiaco, SVP Israel Francis Pargas, Chief Operating Officer Arnel de Jesus, at Division Chief Bobby Crisostomo.

Sa programang Powerline ni Pastor Apollo, sinabi ng butihing Pastor na hindi maaaring magpatuloy ang korupsiyon dahil tutuparin talaga ng pangulo ang kanyang laban sa korupsiyon sa pamahalaan.

 “Hindi palalampasin ng Pangulong Duterte yan kasi kung alam lang ninyo ang kanyang pamumuno at pamamahala talagang malinis yan no walang korupsiyon kaya kung sino man ang mga nagkasala diyan siguradong heads will roll sinabi ko na noon sa inyo yan abangan ninyo hindi palalampasin ng ating pangulo ang korupsiyon na ‘yan lalo na bilyon-bilyong piso ang nawawala tapos napupunta sa bulsa ng kaukulan di maari. Yun kaya yun ang sinabi ko na gagawin niya talaga ang kanyang kampanya against korupsiyon.”

—Pastor Apollo C. Quiboloy, Executive Pastor, The Kingdom of Jesus Christ

Desisyon ni na hindi isama si Duque sa mga kakasuhan, mayroong ‘wisdom’

Samantala, sinabi naman ni Pastor Apollo na huwag husgahan ang desisyon ng pangulo kung bakit hindi isinama si Health Secretary Francisco Duque III sa mga sasampahan ng kaso.

Ayon kay Pastor Apollo, hintayin na lang ang dahilan sa naging hakbang ng pangulo.

 “Huwag muna nating husagahan bakit hindi siya nasama dito pabayaan muna natin ang ating pangulo na siya mag-decide patungkol kay Health Secretary Francisco Duque kung ano ang wisdom ng pangulo dito bakit hindi siya isinama na siya naman ang pinkaulo ng Health Department ay nasa sa kanya kung tayo ay humihingi ng kasagutan dito hintayin natin baka mayroon siyang sasabihin patungkol dito.”

—Pastor Apollo C. Quiboloy, Executive Pastor, The Kingdom of Jesus Christ

Samantala, nilinaw naman ng DOJ na sasailaim pa sa preliminary investigation ang mga opisyal bago matukoy kung isasampa sa korte ang mga kaso.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *