Duterte Administration
National

Mga nagawa ng Duterte Administration, ilan sa mga ibinida sa Pre-SONA Forum

IBINIDA ni Finance Secretary Carlos Dominguez ang mga nagawa ng Duterte Administration at mga hakbangin pang ginagawa ng pamahalaan upang lalo pang palakasin at ang ekonomiya ng bansa.

Sa ginawang presentasyon ni Dominguez sa Pre-SONA Forum sa PICC, ipinagmalaki nito ang naitalang mababang inflation rate na nitong Enero ngayong taon ay nakapagtala lamang ng 4.4% kasabay ng pagtiyak na nasa tamang direksiyon ang administrasyon para maabot ang 2. 4% target ngayong taon.

Kasama rin sa iniulat ng Finance chief ang naging benepisyo ng Comprehensive Tax Reform Program o TRAIN Law  na pinakinabangan ng mga may 99% ng mga tax payers kasunod ng naging exemption nito sa pagbabayad ng income tax habang inalis na din ang VAT sa mga medisina para sa diabetes, hypertension, high cholesterol at iba pang mga sakit.

Sa ilalim din aniya ng Duterte Administration ay nagkaroon ng increase sa revenue o kita ng pamahalaan sa pamamagitan ng mas paniningil ng mataas na excise tax sa tobacco products na siyang magpo -pondo sa Universal Health Care.

HANNAH JANE SANCHO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *