dagdag-bawas
Business

Mga nag-anunsyo ng dagdag-bawas sa petrolyo, nadagdagan pa

NAG-anunsyo na rin ang ilan pang kumpanya ng langis ng kanilang dagdag-bawas sa produktong petrolyo na epektibo simula bukas.

Sa abiso ng Seaoil ngayong araw, nasa 25 sentimos ang dagdag sa kanilang gasolina habang nasa 40 sentimos ang bawas sa kanilang diesel at 35 sentimos naman sa kerosene.

May kaparehong oil price adjustiment naman sa diesel at gasolina ang PTT Philippines.

Una na ring nag-anunsyo ng kanilang dagdag-bawas ang kumpanyang Shell at Petro Gazz.

Habang noong Sabado ay nagpatupad na ng bawas-presyo sa diesel ang Phoenix Petroleum.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *