National

Mga miyembro ng Greenpeace ikinadena ang mga sarili sa gate ng DENR


Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupong Greenpeace Philippines sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources para kondenahin ang pagbasura ng Commission on Appointments (CA) kay Gina Lopez bilang kalihim ng ahensiya.
Kaugnay pa rin ng protesta, ikinadena ng mga miyembro ng Greenpeace ang kanilang mga sarili sa gate ng DENR.
Ayon sa grupo, nais nilang panatilihin sa labas ng ahensiya ang malalaking negosyo na maaaring kumontrol sa DENR matapos mabasura ang nominasyon ni Lopez.
Panawagan din ng grupo na ilayo ang ahensiya sa marumi at corporate interest na naghahantong sa Pilipinas sa environmental bankruptcy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *