napagkalooban
Regional

Mga mangingisda sa Surigao Del Sur, napagkalooban ng ice plant and cold storage business

NADAGDAGAN ng mapagkukuhanan ng panggastos ang mga mangingisda sa Surigao Del Sur matapos silang mapagkalooban ng planta ng yelo.

Naibigay sa mga miyembro ng Alingit Fisherfolk Multi-Purpose Association, Inc. (AFMPAI) ang isang cold storage business ng Department of Social Welfare and Development 13.

Ang Php 4.4 million project ay naisakatuparan sa pamamagitan ng kabit-bisig laban sa kahirapan – comprehensive and integrated delivery of Social Services Program ng DSWD.

Dahil dito ay matutulungan ang nasa 849 pamilya o nasa 4,226 indibidwal sa lianga.

Nakapangako din ang DSWD1-3 na magasagawa ng mga training at lecture sa mga mangingisda sa tamang paggamit ng makina.

Matatandaang nitong Disyembre a-otso ng nai-turn over sa Purok 1, Barangay Poblacion sa Lianga ang ice plant.

Mga modern PUVS sa Cagayan De Oro, ikinatuwa ng mga residente doon

MAGANDA ang natatangap na komento mula sa mga commuter sa Cagayan De Oro magmula ng masimulan ang pagpapatakbo ng mga modern PUVS sa probinsya.

Ang Cagayan De Oro ang ikatlong lungsod sa Mindanao na nag-adopt sa mga PUVS.

Ang bawat PUV ay tila isang maliit na bus na maaring magsakay ng nasa 25 katao.

Alinsunod din ang pagpapatakbo ng PUV sa Cagayan De Oro City sa Omnibus Franchising Guidelines ng Department of Transportation.

Nakapaloob sa Omnibus ang pagkakaroon ng Global Positioning System, Dashboard camera, CCTV, WI-Fi, at automatic fare collection system.

Mayroon naman itong minumum fare na Php 9 at may makukuha pang diskwento ang mga Senior Citizens at mga estudyante.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *