dengue carrying mosquitoes
Health

Mga lugar na pinamumugaran ng dengue carrying mosquitoes, ipinasusugpo

NANAWAGAN ang environmental group na Ecowaste Coalition sa mga barangay officials sa buong bansa na magkaroon ng sistema na magtitiyak na masisira at masasawata ang mga lugar na maaaring pamugaran ng mga dengue carrying mosquitoes sa buong bansa.

Ang panawagan ay ginawa matapos idekalara ng Department of Health ang “National Dengue Alert” matapos tumaas ang kaso ng dengue sa Pilipinas sa mga nakalipas na taon.

Mungkahi ng grupo, suyurin ng mga taga barangay ang lahat ng mga nakatiwang-wang na lata, bote, plastic bags, snack pack at mga abandonadong gulong dahil maari itong matambakan ng tubig na siyang paboritong breeding ground ng aedes aegypti.

Aniya, nakakapagparami din ang aedes aegypti mosquitoes sa mga imbakan ng tubig na makikita sa loob ng bahay gaya ng mga tanke, drum, timba, flower vases, raint gutters at iba pang artificial water container na dapat matanggalan ng tubig.

Sa huli, nananawagan ang grupo sa publiko na tulungan ang pamahalaan na masawata ang tumataas na bilang ng dengue cases at gawin ang parte nito sa bawat pamamahay upang hindi mabiktima ng sakit na dala ng lamok.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *