Mga lugar na nakasailalim sa granular lockdown sa NCR, bumaba pa

Mga lugar na nakasailalim sa granular lockdown sa NCR, bumaba pa

MULA sa 121, bumaba pa sa 117 ang mga lugar sa National Capital Region (NCR) na isinailalim sa granular lockdown hanggang kahapon, Oktubre 13.

Base ito sa datos mula sa Philippine National Police (PNP) na inilabas ngayong araw.

Ayon sa PNP, ang mga lugar na naka-granular lockdown ay naiulat sa 78 barangay sa Metro Manila.

Ang lugar na ito ay kinabibilangan ng 67 na mga bahay, 15 residential building, 5 residential building floors, 5 mga kalye at 25 na subdivisions o villages.

Nag-deploy naman ang PNP ng 363 personnel at 410 force multipliers para masiguro ang seguridad at pagsunod sa minimum health standards sa mga concerned areas.

17 LGUs sa NCR, nasa moderate risk na kaugnay sa COVID-19– OCTA research team

Nasa moderate risk na kaugnay sa COVID-19 ang labing pitong mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR).

Batay ito sa NCR COVID-19 update ng OCTA research group.

Sa Twitter post, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na bumaba pa sa 0.60 ang reproduction number o ang bilis ng hawaan ng COVID-19 sa NCR.

Ayon kay David, bumaba rin sa 1,847 ang 7-day average sa Metro Manila, 30% na mas mababa kumpara noong nakaraang Linggo.

Nasa 11% naman aniya ang positivity rate sa NCR habang ang Healthcare Utilization (HCUR) ay nasa 49%.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *