African Swine Fever preventive measures
National

Mga lugar na nagpatupad ng temporary ban sa pag-angkat ng baboy, nadagdagan pa

NADAGDAGAN pa ang mga lugar na nagpatupad ng temporary ban sa pag-angkat ng baboy sa gitna ng banta ng African Swine Fever (ASF).

Sa pangamba ng laganap ng ASF, ilang lalawigan na ang pansamantalang nagbawal ng pagpasok ng baboy galing sa ibang probinsya habang ang iba naman ay nagpatupad ng quarantine checkpoints.

Kabilang sa nagsara ng lagakan ng baboy ay ang bayan ng Guiguinto sa Bulacan kung saan nagmumula ang 60% ng mga baboy na dumarating sa Metro Manila.

Pansamantalang ipinagbawal naman ng Pangasinan ang pagpasok ng mga baboy mula sa ibang lugar sa Luzon.

Habang ipinagbawal ng Bohol Provincial Government ang pagbiyahe ng mga baboy na walang kaukulang health certificate, meat inspection certificate at shipping permit.

Isang task force naman ang binuo ng Cebu para matiyak na hindi magkahawaan ng sakit ang mga alagang baboy.

Sa Metro Manila, nakatakda nang magkaroon ng quarantine checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng Quezon City sa susunod na linggo.

Inatasan naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang veterinary inspection board ng lungsod upang magsagawa ng intensified inspections.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *