Mga LSI patungong Western Visayas, pinagbawalan munang bumiyahe

Mga LSI patungong Western Visayas, pinagbawalan munang bumiyahe

IPINAGBAWAL muna ng Western Visayas ang pagtanggap sa mga locally-stranded individual (LSI), dahilan para ma-stranded ang mga marami sa mga pantalan, kabilang ang Manila North Harbor.

Ayon kay Philippine Ports Authority General Manager Jay Daniel Santiago, muling nagpatupad ng moratorium ang Western Visayas sa lahat ng mga papasok na pasahero o LSI simula Agosto 7 na tatagal na dalawang linggo.

Ayon kay Santiago, may biyahe naman sa mga lugar na walang moratorium sa mga LSI.

Iginiit ni Santiago na ginagawa nila ang lahat para matugunan ang pangangailangan ng mga na-stranded pero limitado lang din ang kaya ng ahensiya.

Tiniyak din naman ng pamunuan ng Philippine Ports Authority na maaalagaan nito ang lahat ng LSI na nasa loob ng pier at kanilang terminal.

Samantala, muli ring nagpaalala ang PPA sa mga pasahero na i-check muna kung tuloy ang biyahe bago pumunta ng pier.

Dahil sa patuloy paninirahan ng mga LSI sa kanilang terminal dulot ng kanselasyon ng kanilang biyahe pauwi sa mga probinsiya, nangangailangan ang Philippine Ports Authority ng dagdag na donasyon habang umiiral ang lockdown sa Metro Manila.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *