CPP-NPA
National

Mga kondisyon sa pakikipag-usap sa CPP-NPA, inilatag

HANDA si Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay ang 1/3 ng mga hinihingi ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army o CPP-NPA kung makikipatulungan ito sa pamahalaan.

Inilahad ng Pangulong Duterte ang kaniyang kondisyon sa kaniyang talumpati sa pagbisita niya sa 8th Infantry Division ng Philippine Army sa Catbalogan, Samar.

Kabilang sa inaalok ng commander in chief ay lupa, pabahay at bibigyan pa ng training para magkaroon sila ng bagong kakayanan para kumita ng pera.

Gayunpaman hindi nawala ang babala ng pangulo, hindi siya mauubusan ng sundalo na tutugis sa kanila kaya mas mabuti nalang daw na sumuko sila.

HANNAH JANE SANCHO

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *