dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo
Business

Mga kompanya ng langis, nagpatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo

NAGPATUPAD ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis.

Sa abiso ng Petro Gazz, Phoenix Petroleum Philippines, at SeaOil, may dagdag na piso at limang sentimo ang presyo sa kada litro ng gasolina habang pitumpung sentimos sa kada litro ng diesel at kerosene.

Una namang nag-abiso ng oil price hike ang kumpanyang Shell ng kaparehong dagdag-presyo.

Ang naturang oil price hike ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *