kanseladong domestic flights
National

Mga kanseladong domestic flights, nadagdagan pa dahil sa sama ng panahon

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga kanseladong domestic flights dahil pa rin sa masamang panahon dulot ng Bagyong Falcon.

Kabilang sa mga nakansela ang biyahe ang flights 5J 321 na Manila patungong Legazpi at 5J 322 na Legazpi pabalik ng Maynila, 5J 901 at 5J 902 na biyaheng Manila Caticlan pabalik ng Maynila at 5J 506 at 5J 507 na biyaheng Manila-Tuguegarao at pabalik ng Maynila ng Cebu Pacific.

Kanselado rin ang biyaheng Manila-Busuanga-Manila ng Cebgo at SkyJet.

Inaabisuhan naman ang mga apektadong pasahero ng mga naturang domestic fight na makipag-ugnayan sa mga airlines para sa rebooking at refund ng kanilang mga ticket.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *