Mga kasapi ng Cheonghae unit sa South Korea, nagpositibo sa COVID-19

Mga kasapi ng Cheonghae unit sa South Korea, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang mahigit 68 na mga kasapi ng South Korea Cheonghae unit sa karagatan ng Africa.

Inihayag ng mga opisyales noong linggo na nagpositibo sa COVID ang 68 na mga miyembro ng South Korea anti-piracy naval unit sa karagatan ng Africa.

“Until now, we’ve received the test results on 101 service members, and 68 tested positive, with 33 negative,” ayon sa official ng Joint Chiefs of Staff (JCS) ng South Korea.

Dagdag pa ng mga opisyales, kasalukuyang ginagamot ang 15 indibidwal kasama na ang 3 nahawaang seafarer sa lokal na ospital.

Inilagay naman sa isolation sa barko ang mga pasyenteng asymptomatic sa COVID-19 virus.

Sa 300 service members, nasa 200 ang hinihintay pa ang resulta ng COVID-19 kaya pinangangambahang posibleng aakyat pa ang bilang ng mga nahawaan.

Samantala, nagdesisyon ang South Korea government na iuwi sa bansa ang lahat ng miyembro ng Cheonghae unit.

Isasailalim ulit ang mga ito sa virus test at ilalagay sa quarantine facility sa kanilang pagdating sa bansa.

“Three of the patients require intensive care, but the medical staff judges that they still are able to be airlifted by the aerial tankers,” ayon sa opisyal.

“We are also preparing for different options, including sending another aircraft equipped with advanced medical equipment. We are closely monitoring the situation,” dagdag nito.

Nabatid na wala pang nabakunahan sa tropa sa kanilang pag-alis sa South Korea noong Pebrero bago magsimula ang inoculation campaign ng bansa.

Nanatili din ang bawat isa na magkalapit sa barko sa loob ng maraming buwan kaya’t nagkahawaan ang mga ito.

Sinabi ng Defense ministry na humigit-kumulang 73 porsyento ng halos 1,300 na mga tropa sa mga misyon sa ibang bansa ay nabakunahan, kabilang ang lahat ng mga miyembro ng bagong pangkat ng Cheonghae unit.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *