Mga kandidatong papasok sa 1Sambayan, tinawag na ‘ulol’ ng dating Senador

Mga kandidatong papasok sa 1Sambayan, tinawag na ‘ulol’ ng dating Senador

TINAWAG na ‘ulol’ ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang mga kandidato o pulitikong sasanib sa koalisyong 1Sambayan.

Ito ay kasunod ng pagtanggi ng ilang kandidatong inendorso ng naturang koalisyon kamakailan lang.

“Eh alam nila na hindi seryoso yun eh, sino naman ang may gusto sa, tatakbo sa isang partido na hindi nila alam kung may laman o wala, bago lang yun eh, bago lang yung 1Sambayan, ‘di pa napapasama sa eleksyon yun.

“Eh papasok ka dun? ulol ka ‘pag pumasok ka dun,” pahayag ng dating Senate President.

Tahasang sinabi ni Enrile na magaling lang na abogado si Justice Antonio Carpio na isa sa mga nagtatag ng 1Sambayan ngunit wala aniya itong karanasan sa pulitika.

Matatandaan na apat mula sa anim na kandidatong piniling i-endorso ng 1Sambayan para sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sa nalalapit na eleksyon ang tumanggi sa naturang endorsement.

Kabilang na dito si Senadora Grace Poe, Batangas Representative Vilma Santos-Recto, Human Rights Lawyer Chel Diokno at Cibac Representatuve Eddie Villanueva.

Tanging tumanggap lamang sa endorsement ng 1Sambayan sina Vice-President Leni Robredo at dating Senador Antonio Trillanes.

Samantala, Senator Manny Pacquiao, pinag-iingat ni dating Senate President Enrile sa mga taong nakapalibot sa kanya

Pinayuhan ni Enrile ang kaibigan na mag-ingat sa mga taong nakapalibot lalo na ngayong malapit na ang halalan.

Senator Manny Pacquiao
Senator Manny Pacquiao

Ito’y kasunod ng mga pahayag ng ilang pulitiko na isinusulong ang kandidatura ni Pacquiao sa pagka-Presidente sa nalalapit na halalan.

Sinabi ni Enrile sa programa nito sa Sonshine Radio na Dito sa Bayan ni Juan sa SMNI, na dapat mag-ingat ang senador sa mga makakasama nito at maging sa binibitawang mga salita sa publiko.

“Kaya sinasabi ko sa kaibagan kong si Manny, dahan-dahan Manny, kung gusto mo maging presidente, be careful sa mga nag a-advice sa’yo, dahil walang study ‘yan eh, hindi nila sinasabi sayo ang magnitude ng problema kaya napapasubo ka”.

Kaugnay naman sa pangako ng Senador na tatanggalin ang lahat ng squatters sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabahay kung ito ang magiging pangulo ng bansa, naniwala naman si Enrile na imposible itong mangyari.

“Tungkol diyan sa programa mo na ‘yan, goodluck na lang.”

 

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *