Mga kandidato sa pagka-mayor ng ruling party sa South Korea, natalo sa Seoul at Busan

Mga kandidato sa pagka-mayor ng ruling party sa South Korea, natalo sa Seoul at Busan

NATALO ang mga kandidato ng ruling democratic party ng South Korea sa eleksyon sa pagka-mayor sa 2 pinakamalaking syudad ng bansa.

Nakaranas ng pagkatalo ang lahat ng kandidato ng ruling democratic party ng Korea sa eleksyon sa pagka-mayor sa Seoul at Busan.

Si Oh Se Hoon, dating mayor at tanging kandidato mula sa oposisyon na people power party ang nanalo sa eleksyon sa Seoul.

Natalo ni Oh ang karibal nito sa main opposition people power party na si Park Young Sun.

Nakuha rin ng people power party ang pwesto sa pagka-mayor sa Busan kung saan natalo ni Park Heong Joon ang karibal nitong si Kim Young Choon.

Ang kabuuang bilang ng bumoto sa 2 syudad ay umabot sa 11 milyon kung saan 8.4 milyon ang bumoto sa Seoul at 2.9 milyon naman sa Busan.

Ang termino naman sa mga bagong mayor ay tatagal ng 1 taon at 3 buwan hanggang hunyo 30 sa susunod na taon kung saan maaaring tumakbo ang mga ito para sa 3 magkakasunod na termino.

(BASAHIN: Dating South Korean leader Park Geun-hye, pinagtibay ng Supreme Court ang 20-taong pagkabilanggo dahil sa bribery)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *