Mga kandidato, pinagbabawalan na gamitin ang TUPAD program ng DOLE sa pamumulitika

Mga kandidato, pinagbabawalan na gamitin ang TUPAD program ng DOLE sa pamumulitika

BINALAAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kandidato ukol sa posibleng paggamit ng cash-for-work program beneficiaries sa pangangampanya.

Ayon sa DOLE, sasampahan ng kaso ang sinumang mahuli na gumagamit ng tulong panghanapbuhay para sa disadvantaged/displaced workers o TUPAD program beneficiaries sa pamumulitika.

Dagdag pa ng DOLE, hindi nito palalampasin ang ganitong mga aktibidad dahil ang tupad program ay programa ng DOLE at hindi ng mga congressman.

Ito ang naging tugon ni Labor Sec. Silvestre ‘Bebot’ Bello III matapos sabihin ni Sen. Panfilo Lacson na may mga kandidato na ginagamit ang mga TUPAD beneficiary sa mga caravan campaign.

Sa ngayon, gumawa na rin ang DOLE ng mga hakbangin upang matiyak na ang mga manggagawa ay mapoprotektahan sa anumang klase ng pang-aabuso.

Tinitiyak din ng DOLE na masosolusyunan ang isyung ito.

SMNI NEWS