nagpakita ng suporta
Showbiz

Mga kandidata ng Miss World Philippines 2019, nagpakita ng suporta kay Michelle Dee sa gaganaping Miss World 2019

NAGPAKITA ng suporta ang mga kandidata ng Miss World Philippines 2019 sa pambato ng Pilipinas sa gaganaping Miss World 2019 sa London, England.

Kumpleto ang halos lahat ng winners ng Miss World Philippines 2019 sa ginanap na send-off party nito sa Nanka restaurant.

Kabilang dito sina Miss Eco International Philippines 2019 Kelley Day, Reina Hespano Americana Filipinas 2019 Katrina llegado, Miss Multinational Philippines 2019 Isabelle De Leon, Miss Eco Teen Philippines 2019 Mary Daena Resurreccion, Miss Philippines Tourism 2019 Glyssa Perez, at Miss World Philippines 2019 2nd runner-up Casie Banks.

Nagpapasalamat si Michelle Dee sa mga nataatanggap nitong suporta mula sa pageant fans.

Inaasahan namang darating si Michelle at ang mahigit 100 pang kandidata sa London, England sa November 20.

 

SMNI NEWS 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *