Metro

Mga iskolar sa Muntinlupa City na lalabag sa health protocol kontra COVID-19, babawian ng benepisyo

WoodProfit

AALISAN ng benepisyo ang sinumang mga iskolar sa Muntinlupa City na makikita o mahuhuling lumalabag sa ipinatutupad ng pamahalaan na mga panuntunan o guidelines para labanan ang COVID-19.

Sa katunayan ayon sa lungsod, naging pababalik-balik na nga ang paalala na ibinibigay nito sa publiko.

Una na dito ang palagiang pagsusuot ng face mask, pag-obserba sa social distancing at palagiang paghuhugas ng kamay.

Kaya naman, bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mas pinaigting na pagpapatupad ng health protocols sa lugar,  kasama na rin sa maaapektuhan sa polisiyang ito,  ay ang mga estudyante.

 

PHOTO JOB

 

Nakatakdang pirmahan na ng konseho ng Muntinlupa City ang napagkasunduang resolusyon na magpapataw ng zero benefits sa mga nasa ilalim ng scholarship program ng lungsod,  kung mapapatunayan at mahuhuli ang mga iskolar na nasa labas ng bahay at lumalabag sa patakaran kontra COVID-19.

Pero paglilinaw ng LGU, hindi naman agad-agad na papatawan ng zero benefits ang isang estudyante sa unang pagsita pa lamang.

“Napag-usapan noong Monday sa session, within this week as soon as its signed, they will have it posted para mainform sila.  Pero definitely, hindi naman namin agad tatanggalan sa unang sita palang.  There are leverage para maintindihan naman nila, may warning di ba?” ayon kay Tezz Navarro, Chief  Public Information Officer ng Muntinlupa City.

Aprubado naman sa ibang magulang at mga bata ang desisyon na ito na anila ay naiintindihan nila ang plano para sa kanilang kaligtasan.

Mainam rin anila ito para maiwasan ang pagdami ng tao na lumalabas ng bahay na hindi naman importante ang lakad lalo na sa mga bata, na posibleng maging sanhi pa ng malawakang pagkahawa ng sakit na COVID-19.

 

Penalties

 

Nito lamang unang kwarter ng taon,  namahagi ang lungsod ng financial assistance para sa mahigit sa 7,000 mag-aaral bilang tulong sa pangunahing pangangailangan ng bawat estudyante sa kanilang pag-aaral lalo pa’t nalalapit na rin ang opisyal na pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.

 

 

Sa ngayon, istrikto nang nagpatutupad ang ilang barangay sa lungsod para manghuli ng mga residente na hindi nagsusuot ng facemask at iba pang paglabag COVID-19 health standards.

“I’m very positive na ito ay ma-achieved din namin.  Kasi alam mo po ang tao,  kailangan mo lang tiyagain para ipaliwanag,” ayon pa kay Navarro.

“We are trying our best,  tinatiyaga ito ni mayor (Jaime) Fresnedi, tsaka ng aming tanggapan kasi kami ang nagpapaalala together with the barangay chairmen. In fact, nanghuhuli na nga yung ibang baranagay chairman namin sa mga hindi nagsusuot ng facemask,” dagdag niya.

Ipinatutupad na din sa lungsod ang local ordinance na Mandatory Use of Face Masks na alinsunod sa City Ordinance 2020-109, ibig sabihin mandatory na ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar sa Muntinlupa.

SMNI NEWS

Genius Dog 336 x 280 - Animated

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close