illegal na kubol
Metro

Mga illegal na kubol sa NBP sinimulan ng gibain ng BuCor

SINIMULAN na ng Bureau of Corrections ang paggiba sa mga illegal na kubol ng mga inmates sa apat na quadrant sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison.

Ayon kay BuCor Chief Gerald Bantag, kailangang gibain  ang mga naturang kubol   dahil dito ikinukubli ng mga inmates ang ibat ibang kontrabando.

Iba’t ibang klaseng patalim, pera at grocery items ang ilan nga sa mga nakitang konrabando sa pagsisimula ng paggiba ng mga kubol kahapon.

 

Naniniwala naman si National Capital Region Police Chief Gen. Guillermo Eleazar na makakatulong ang ganitong hakbang ng BuCor para unti unting maisaayos ang ahensya mula sa iba’t ibang irregularidad.

Sa pagtataya naman ng Department of Public Works and Highway, posibleng umabot sa 3 araw ang paggiba sa bawat quadrant. 

Tiniyak naman ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang partisipasyon at kooperayon sa ginagawang paggiba sa mga illegal na kubol sa loob ng naturang kulungan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *