di gagamitin
International

Mga ibinigay na sasakyan ng CEZA, di gagamitin sa personal na lakad ayon sa PNP

HINDI gagamitin sa personal na lakad ang mga sasakyan na ipinagkaloob ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP spokesperson police Brigadier General Bernard Banac, lahat ng sasakyan na ibinigay sa pamamagitan ng donasyon ay gagamitin lamang sa official function at police operation.

Sinabi pa ng opisyal na malaki ang maitutulong ng mga ibinigay na sasakyan ng CEZA sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Aabot sa limampung government sequestered vehicles ang ipinagkaloob ng CEZA sa mga otoridad.

Habang labing walong ang napunta sa Cagayan PNP kabilang dito ang Hummer at Pajero.

 

SMNI NEWS 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *