hog raisers
Regional

Mga hog raisers na naapektuhan ng ASF sa Rizal, makatatanggap ng ayuda

SISIMULAN nang ipamahagi ngayong araw ang P10, 000 ayuda sa mga hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever sa Rodriguez Rizal.

Sa panghunguna ni Rodriguez Mayor Tom Hernandez, isasagawa ang pamimigay ng P10, 000 livelihood assistance sa nasa 200 hog raisers ng naturang bayan.

Ito ang unang batach na makatatanggap ng tulong pinansyal mula sa kabuuang 1,355 na naitalang magbababoy na apektado ng ASF.

Isasailalim muna ang babuyan ng mga ito sa inspeksyon bago makakuha ng assistance mula sa lokal na pamahalaan ng Rizal.

Magugunuitang noong Setyembre 17 hanggang 20 nang magpalista sa munisipyo ng Rodriguez ang mga hog raisers na namatayan ng alagang baboy dahil sa ASF.

Panibagong kaso ng African Swine Fever, naitala sa Quezon City

Samantala, kinumpirma naman ngayon ni Agriculture Secretary William Dar ang panibagong kaso ng ASF sa barangay tatalon sa Quezon City.

Sa ngayon, inaalam na nila kung papaano nakaabot sa lugar ang ASF na unang naitala sa Barangay Bagong Silangan at Payatas ng naturang lungsod.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *