eleksyon
National Uncategorized

Mga guro na nagsilbi sa eleksyon, pinasalamatan ng DepEd

PINASALAMATAN ng Department of Education (DepEd) ang mga guro at non-teaching personnel na nagsilbi sa midterm elections.

Ginawa ni Education Secretary Leonor Briones ang pasasalamat kasunod ng maayos at mapayapa sa pangkalahatan ang kakatapos na eleksyon.

Aniya, sa kabila ito ng mga demand at mga hamon sa kasagsagan ng halalan.

Sa report ng Election Task Force na pinamunuan ni DepEd Undersecretary for Administration Alain del Pascua, umabot sa kabuuang 131,526 ang natanggap nilang reklamo kaugnay sa eleksyon.

Kabilang dito ang mga kaso ng hindi nabayarang honorariums, unpaid allowances, injuries at harassment, pinsala sa mga school facility, notes sa vote-counting machines na pumalya, isyu sa transmission at marking pen, final testing at sealing issues at iba pang reklamo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *